Posted by: Taong Grasa | May 28, 2008

Prosti…

Ang pagtira ko dito sa bangketa sa mahabang panahon ay napakarami ko nang nasaksihan sa buhay ng mga Pilipino. At isa sa pinaka malungkot ay ang pagbebenta ng laman.. bata, dalaga, may asawa, matanda, babae, lalaki walang pinipili basta kumalam ang sikmura… sisikmurain lahat matugunan lamang ang gutom. karamihan sa atin pinangdidirihan sila pero kung kikilalanin mo sila ng lubusan mas maaawa ka kaysa pandirihan sila… tulad nun isang bata na kakilala ko dito sa lansangan.. nun una palaro-laro lang sya dito minsan namamalimos para pangtawid gutom. pero dumating sa punto na nagbenta na sya ng laman.. sumama sya sa isang buwitre na namantala sa kanyang kahirapan.. pagkatapos nang ilang oras umuwi na sya bitbit ang konting pera na kabayaran sa kanyang serbisyo. mula nun araw na un makikita mo sa kanya ang pagkawala ng kanyang kamusmusan. Ngunit ni-minsan hindi sya naglabas ng sama ng loob pero bakas ang kanyang paghihirap kahit anong pilit nyang tumawa at maging masaya sa harap ng mga tao. Ang tanong bakit walang mag protekta sa mga tulad nya… simple lang.. kasi mismong mga pulis, konsehal at mayor ang kanyang mga parokyano… oo tama ang nabasa nyo!! ang mga taong dapat tumulong sa kanya ay sya pa mismong nanamantala sa kanya. nakakalungkot pero totoo!!!


Responses

  1. nakakalungkot na ang ganyang sitwasyon e hindi lang dyan sa atin pero sa buong mundo. sana merong madaling paraan para matigil na yang ganyan. salamat sa pagdaan sa blog ko!

  2. sa mga ganitong sitwasyon ay hnd mu tlaga maiiwasan na malungkot..

    nung una, alam ko nkkadiri cla pero kpag akoy tumingin sa kanilang mga mata, nkkita ko na malunkot cla..kung malungkot ako, my mas malungkot p pla kaysa skin.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: