Posted by: Taong Grasa | May 20, 2008

Delubyo!

Sa tagal ko nang Taong Grasa marami na akong nasaksihan sa lansangan.  Iba’t-ibang pangyayari na totoong nagaganap sa buhay ng isang ordinaryong tao, malayong-malayo sa mga napapanood at nababasa natin sa telebisyon at pahayagan. Isa na dito ang pagpatay sa mga masasamang loob. Maraming tawag sa ganitong gawain.. Salvage, Summary Execution, Extrajudicial killings, Rampa, Niligpit, Pinatahimik o kya sa pinaka simpleng salita Pinatay. Ano man ang itawag mo sa gawaing ito ang malaking katanungan.. makatwiran ba ang ganitong gawain?? May dalawang karakter sa istoryang ganito ang “Biktima” at ang “NamBiktima”..

Unahin nating ang Biktima… ilagay nating sa ating isipan bago sila maging “biktima” ng salvage ay sila ang nambibiktima ng mga inosenteng tao. sila un mga hired killer, drug pusher, magnanakaw, holduper, mandurukot at kung ano-ano pang mga masasamang elemento na gumagala sa ating lansangan. Malimit mga isosenteng tao ang mga biktima nila. Kung sila ang tatanungin nagagawa lang nila ang mga bagay na un dahil dala ng kahirapan, pero kung tutuusin kung kaya nga nilang gawin ang mga illega na bagay na un.. sigurado din akong may lakas silang magtrabaho ng parehas. Hindi naman sa nag bubuhat ako ng bangko… ako isang Taong Grasa! hindi man lang sumagi sa isipan ko na gawin ang mga ganun bagay mas gugustuhin ko pang manlimos at mangalakal sa basura kaysa gumawa ng masamang bagay… mahaba ang debate tungkol sa kahirapan na hindi mo na pahahabain pa.. Ang punto dito! sasabihin nila bakit hindi na lang hulihin at litisin ng batas at patawan ng kaukulang parusa ang mga kriminal na yan. Tama! subalit marami nang alagad ng batas ang ginawa un pero sa bandang huli nababaliwala lang ang kanilang pagod. Sapagkat sa maniwala kyo’t hindi mas mayaman pa ang mga kriminal na yan kesa sa mga may ari ng kumpanya sa ating bansa. Ang masaklap nito huhulihin mo sila sa umaga.. sa hapon nakalaya na sila. Marami na rin akong nakilalang mga kriminal sa totoo lang hindi na sila natatakot sa batas! At kung subukan nyo lang tumira sa lansangan tulad ko.. masasaksihan niyo rin ang lupit ng kanilang mga ginagawa marami silang sinisirang inosenteng tao lalo na yan mga drug pusher wala silang sinasanto kumita lang ng maraming pera..

At ang pangalawa ang NamBiktima… sila un mga tinatawag na mga Vigilante. Kadalasan mga alagad sila ng batas at meron din nman na mga sibilyan na tao. Sa kanilang pananaw tama ang kanilang ginagawa nililinis nila ang lansangan para mas maging ligtas sa ating mga inosenteng tao. dinudumihan nila ng dugo ang kanilang mga kamay kapalit ng ating kaligtasan. May mga kakilala akong mangilang-ngilan sa kanila. Kahit ayaw nila ang kanilang ginagawa wala silang pagpipilian sapagkat ilang beses na rin nilang hinuli ang mga kriminal na yan subalit nakakawala pa rin at bandang huli sila pa un pinagtatawanan. Maraming paraaan ang kanilang ginagawang pagpatay! Nandyan un papahirapan muna nila ang isang  kriminal bago patayin at papatayin nila sa pinakamahirap na paraan na magbibigay mensahe sa ibang kriminal na mag isip-isip sila bago gumawa ng krimen.

Sa ngayon hindi ko masasabi na tama o epektibo ang ganitong pamamaraan ng pagpapatupad ng batas. Subalit sa obserbasyon ko ang ibang kriminal ay mas natatakot ngayon kung may nababalitaan silang pinapatay na kauri nila. At sa mga “Delubyo” na pumapatay ng mga kriminal tama man o mali ang inyong ginagawa ay ayoko kayong husgahan sapagkat Diyos lang ang may karapatang humusga…


Responses

  1. no to violence pare.tumambay lang.

  2. pare salamat sa pagtambay… agree ako no to violence… pero un ang realidad na nangyayari sa paligid natin. siguro ang tanging magagawa natin ay umasa na matapos na ang mga karahasan sa mundo. para wala nang dahilan ang mga vigilante na gawin ang mga ginagawa nila

  3. kawawa ang mga inosenteng tao na nagiging biktima ng mga taong walang konsensya….

  4. Welcome to blogging world, Taong Grasa. Salamat sa pagdalaw sa pondahan ko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: